Not Alone

Find out more
about the contributors

Not Alone

A Filipino Story by Anonymous


Noong si Dalisay ay walong taong gulang pa lamang, sinabihan siya ng kanyang ina na lilisanin na nila ang kanilang tahanan at sila ay lilipat na sa Inglatera.  “Kailangang maghanap ng trabaho ang iyong ama para makapagpadala ng pera para iyong lolo, lola at tiyahin,” paliwanag ng kanyang ina.

Ayaw ng batang babae na iwanan ang kanilang tahanan sa Maynila na isang malaking siyudad sa Pilipinas, at siya ay lubos na nalungkot nang sinabi ng kanyang ina sa kanya ang balita.

Pero, paano na ang lahat ng aking mga kaibigan?”, tanong ni Dalisay.  “Wala akong kilala sa Inglatera at mag iisa ako.”

Siniguro ng ina ni Dalisay sa kanya na ito ay magiging kapana-panabik na pakikipagsapalaran para sa kanilang tatlo at makakikilala si Dalisay ng maraming kaibigan kung siya ay magsisimulang mag-aral sa Inglatera.  Hindi nakumbinsi si Dalisay sa mga salita nga kanyang ina. Gusto niya ang kanilang tahanan at gusto niyang mag-aral sa paaralan na kilala niya ang lahat ng mga guro at marami na siyang mga kaibigan.  “Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang lumipat pa kami sa Inglatera,”  isip ni Dalisay noong gabi bago sila nakatakdang bumiyahe.  “Wala akong alam sa Inglatera.  Hindi ako masyadong marunong mag-Ingles at ako ay mag- iisa!”

Ang huling pagtatantong ito ay ikinalulungkot ng lalo ni Dalisay at humiling siya ng buong puso na siya ay manatili sa Maynila kasama ang kanyang lolo, lola at tiyahin.

 %smartmod-storyvideo-lets fly away%

Mahaba ang biyahe at napuspos si Dalisay ng mga malalaking eroplano at ng pambihirang dami ng tao sa paliparan. 

Nang dumating ang pamilya sa Inglatera, halos lahat ay kakaiba at  sigurado siya na lahat ay tumitingin sa kanya.  Ang mga gusali sa bayan ng Birmingham ay malalaki at kulay- abo at si Dalisay ay hindi ganap na  mapanatag.

Mabilis na lumipas ang isang buwan at nakakita ng bahay na matitirahan ang pamilya at ang ama ni Dalisay ay naghanap ng trabaho para makapagpadala ng pera sa naiwang kapamilya sa Pilipinas.

Malungkot na malungkot si Dalisay kahit nakikipaglaro sa kanya ang kanyang ina at ipinapasyal siya.  Nangungulila siya sa kanyang mga kaibigan at di niya makayanan ang pakiramdam na nag-iisa siya sa bagong bayan.  Umiiyak siya kung gabi sa kanyang kama at palagi siyang nananaginip na gigisingin siya ng kanyang ama at sasabihan na babalik sila sa Pilipinas. 

Isang umaga, habang siya ay kumakain ng kakaibang almusal na tinatawag na “cereal” na may gatas – di kapareha sa dating almusal na sinangag na may masarapna itlog-nalaman niya na siya ay papasok na sa paaralan.  “Makakabuti sa iyo ang lumabas ng bahay at makakikilala ng mga bagong kaibigan, “ sabi ng kanyang ina.

Pero hindi masaya si Dalisay sa balitang ito.  Nangungulila siya sa kanyang mga kaibigan sa Pilipinas at kahit gusto man niyang lumabas ng bahay, natatakot siyang pumunta sa paaralan dahil wala siyang kakilala.  Maraming nakitang mga bata si Dalisay habang ginalugad nila ng kanyang ina ang siyudad ng Birmingham, pero ni isa sa kanila ay hindi nakipag usap sa kanya, at hindi rin siya nakakapagsalita ng Ingles ng husto na alam niyang magiging mahirap sa eskwela.

Nang dumating ang umaga, nagpanggap si Dalisay na may lagnat at hindi niya kayang pumunta sa paaralan, pero masasabi kaagad ng kanyang ina na siya ay nagpapanggap lamang at siya ay pinilit na magbihis at mag-almusal.

Magkahawak kamay si Dalisay at ang kanyang ina papunta hanggang sa tarangkahan ng paaralan kung saan sinalubong sila ng isang guro na si Ginang Murray.  Ang guro ay palakaibigan at sinalubong si Dalisay ng magiliw sa paaralan at sinabihan ang ina ni Dalisay na sunduin ang kanyang anak alas-tres ng hapon.

Mabilis na lumipas ang umaga habang si Dalisay ay ipinakilala sa iba pang mga guro at napakaraming bata na ngumiti at bumati sa kanya.  Hindi naintindihan ni Dalisay ang lahat ng sinabi sa kanya pero ipinaliwanag sa kanya na siya ay pupunta sa espesyal na klase kasama ang ibang batang galing sa ibang sulok ng mundo na lumipat sa Inglatera.

Dumating si Dalisay sa silid-aralan kalaunan ng hapon, kumatok siya sa pinto at pumasok sa loob.  Siya ay kinakabahan at saka napagod nang husto sa mahabang araw na makikipagkita sa mga estranghero.  Pero nang siya pumasok, siya ay binati ng  malaking ngiti ng palakaibigang guro na mula sa bansang Pakistan.  “Pasok, Dalisay,” sabi ng palakaibigang guro, “ngayon, tayo ay magbabasa ng libro na may pamagat na “Puss in Boots” at mamaya tayo ay maglalaro at magpipinta.

Napansin ng batang babae na ang lahat  ng mga bata sa silid-aralan ay iba sa isa’t isa.  May batang lalaki na galing  sa Zimbabwe at may dalawang batang babae na galing sa Poland.  May nakakatandang babae na galing sa Albanya at isang batang lalaki na mas bata pa kay sa kay Dalisay na sabi niya siya ay galing pa sa bansang Iran.  At sa kanyang pagkabigla, umuupo sa likurang bahagi ng silid-aralan na may hawak ng kopya ng “Puss in Boots” ay isang batang babae na ang pangalan ay Luningning na galing din sa Pilipinas!  “Halika at umupo ka dito sa tabi ko!” sigaw ni Luningning, na nagulat din katulad ni Dalisay.

Sa isang iglap naging magkaibigan silang dalawa habang ipinaliwanag ni Luningning ang kuwentong Puss in Boots at kung paano sila natuto para mapahusay ang kanilang Englis sa pagtuturo ni Mrs. Mahmood na pinakamagaling na guro sa buong mundo.

Noong hapong iyon, nakipag-usap si Dalisay sa bawat bata sa kanilang klase, at kahit hindi niya palaging naintindihan ang kanilang sinasabi, sigurado siyang alam niya na ang mga bata ay pumunta sa Inglatera para mag umpisa ng bagong buhay, at kahit minsan nakakatakot ang maging nasa ibang lugar na hindi mo alam magsalita ng kanilang lingguwahe, palaging mayroong taong nasa paligid na tutulong.  At kahit saang lugar ka man pumunta sa mundo, makakakita ka ng kabigan.  Napagtanto ni Dalisay na hindi siya mag-iisa.  Ang Inglatera ay ang kanyang bagong tahanan at gagawin niya ang lahat para sa kabutihan.