Turtle and Monkey

Find out more
about the contributors

Turtle and Monkey

A Filipino folk tale told by David Heathfield


Nakatayo si Matsing sa gilid ng ilog at minamasdan si Pagong na lumalangoy salungat sa agos ng tubig. May naisalba syang puno sa baha. : isang batang puno.

“Matsing, may nakuha akong puno ng saging.  Pwede mo ba akong tulungan na hilahin ito sa patag at itanim?  Tutubo ito at mamumunga ng matatamis na saging.”

Hinila ni Pagong ang mabigat na bahagi ng puno – ang may ugat.  Si Pagong ay  hinawakan lang ang dalawang dahon sa may dulo ng punong saging.

Tamad na Matsing.

Nang hindi nakatingin si Pagong, tumalon si Matsing sa mga dahon.  Si Matsing na mabilis, si Matsing na niloloko si Pagong – ay hinihila na rin ni Pagong.

Humukay ng butas si Matsing at itinanim ang puno ng saging.  “Tutubo ito, Matsing.  Aalagaan nating dalawa.  Didiligan natin.  Dadamuhan ang paligid nito.  Paghahatian natin ang mga bunga ng saging.”

“ Hatiin ang puno,” sabi ni Matsing. “ Tamang tama.”  At umakyat si Matsing hanggang gitna, sa ilalim ng mga dahon at sa pamamagitan g kanyang malakas na mga kamay, binali ang itaas na bahagi ng puno nga saging at itinakbo ito habang humahalakhak.

Itinanim ni Matsing ang kanyang kalahating puno , ang itaas na kalahati sa basang lupa.  Mamumunga ito ng saging sa kalaunan, sa isip ni Matsing.

Inalagaan ni Pagong ng mabuti ang kalahating puno.  Walang dahon.
Si Pagong ay matalino, Si Pagong ay mabagal, alam ni Pagong ang alam ng mga pagong.

Dumaan ang panahon at ang kalahating puno ni Pagong ay nagkaroon ng mga dahon at nagsimulang mamunga.

Ang kalahating puno ni Matsing na may dahon ay nalanta at namatay.  Walang naiwan.

Si Pagong ay matiyagang diniligan at dinamuhan ang palibot ng kanyang saging na ngayon ay nagkaroon ng malalaki, mahahaba at hinog na bunga.

“Matsing, pwede mo ba akong tulungan? Pwede mo bang akyatin ang  puno at pitasin ang bunga?  Hindi kasi ako makaakyat ng puno.”

Si matsing na mabilis, si Matsing na niloloko si Pagong ay umakyat sa puno ng saging, pumitas ng isang saging, binalatan at kinain ang masarap na prutas.  Hinagis niya ang balat at pinatamaan si Pagong.

Paulit –ulit na pumitas at kumain ng saging si Matsing at hinagis ang mga balat sa kay Pagong.

Pinaglalaruan ulit ni Matsing si Pagong.

Ngunit hindi namalayan ni Matsing na umalis si Pagong para kumuha ng mga tinik at inilagay sa palibot ng puno ng saging.

Si Pagong ay matalino, Si Pagong ay mabagal, alam ni Pagong ang alam ng mga pagong.

Nang matapos kainin ni Matsing ang lahat ng hinog na saging at sya ay busog na busog na, bumaba na sya sa puno ng saging… “Aray, aray, aray!!!!!”

Bumaon ang mga tinik sa kanyang mga paa habang tumatakbo.  Umupo sya at binunot ag mga tinik sa kanyang mga paa na galit na galit.  Tumakbo sya ng mabilis na mabilis at hinuli si Pagong.

“Bubuhatin kita at dadalhin sa bangin, ihahagis kita sa batuhan para mabasag ang bahay mo.  Dadalhin kita sa ibabaw ng bundok ng apoy at ihahagis kita sa siga!”

“Sige, sige, sabi ni Pagong, ihagis mo ako sa apoy!  Sige, ihagis mo ako sa batuhan!  Pero, parang awa mo,  huwag na huwag mo akong ihagis sa malakas na agos ng ilog!”

“Aha, at ‘yan pala  ang ikinatatakot mo!”, sabi ni Matsing

Dinala ni Matsing si Pagong sa gilid ng ilog at hinagis paitaas.   Bumulusok sa ilalim ng malalim na ilog si pagong…at lumutang sa tubig.

“Ay, Matsing, hindi mo ba alam na gustong-gusto ng mga pagong ang lumangoy sa tubig?”

Si Pagong ay matalino, Si Pagong ay mabagal, alam ni Pagong ang alam ng mga pagong.

Pero paano na ang punong saging?

Hindi nagkasundo si Matsing at si Pagong, ang punong saging ay tinubuan ng mga damo.

Wala ng saging.