KidsOut World Stories

Si Lilly at ang Reyna ng Mga Bulaklak    
Previous page
Next page

Si Lilly at ang Reyna ng Mga Bulaklak

A free resource from

Begin reading

This story is available in:

 

 

 

 

Si Lilly at ang Reyna ng Mga Bulaklak

Isang Kuwentong Filipino

 

flower

 

 

 

 

 

 

*

Sa isang makulimlim na araw sa Mayo, umuulan tulad ng karaniwan, naglakad si Lilly sa parkeng malapit sa bahay nila. Pinaalala sa kanya ng madidilim na ulap kung gaano niyang nais umalis sa Inglatera at tumira sa ibang mas kaaya-ayang bansa.

‘Napakadamot ng mga magulang ko,’ naisip niya. ‘Bakit hindi nila gawin ang isang bagay na ito para sa akin at lumipat sa ibang lugar. Kahit na saan kaysa sa nakababagot na basang bansang ito na wala kang magawa!’

Tumingin si Lilly sa paligid ng makulimlim at miserableng parke at napansin niyang halos walang bulaklak kahit na tagsibol na. ‘Pati ang mga bulaklak ay ayaw dito,’ sabi niya. ‘At hindi ako makapaniwala na hindi tayo magbabakasyon sa taong ito!’

Biglang-bigla, nakarinig si Lilly ng humahagitgit at lumalagapak na tunog sa bandang harapan. Tumingala siya ay nakakita siya ng matandang babaeng nagmamadali sa pagitan ng mga puno at natataranta ito sa bagay na hindi makita ni Lilly.

Mula noong lumipat ang pamilya niyo sa maliit na bahay na di kalayuan, laging nagpupunta si Lilly sa parke para mag-isip. Ang totoo ay naisip na niya na ito ay sarili niyang pribadong parke at medyo nainis sa pagdating ng pakialamerang matandang babae. Sa dahilang ito, medyo nabuwisit ang batang babae sa estranghero na abala sa kanyang kapayapaan. Tinaas nang husto ni Lilly ang ulo niya, ginamit ang pangmatanda niyang boses habang naglakad siya papunta sa matandang babae.

‘Paumanhin po,’ sabi niya. ‘Hindi ko alam kung nalalaman niyo ito, ngunit ito ay aking parke at ...’

Ngunit bago siya makatapos, tumingin ang babae at ngumiti kay Lilly at biglang napatanga ang batang babae. Napakaperpekto ng kutis ng matandang babae at tilang kumikinang ito, at may mahabang buhok siyang gawa sa daan-daang bulaklak!

Nakatayo’t tinitigan ni Lilly ang magkakaibang uri ng bulaklak na nahuhulog mula sa tuktok ng ulo ng babae. May ilang kilala niya, tulad ng mga rosas at tulip. Pero maraming bulaklak na hindi pa niya nakikita sa buong buhay niya, lalo na hindi sa nakakabagot na Inglatera. Lahat ng kulay ng bahaghari ay naroon: lila, pula, rosas, asul, puti, dilaw, kahel … lahat ng kulay na maaari mong maisip, magkakahalo sa nakamamanghang kumikinang na kiling. Nakasuot siya ng rosas at putting bestida, mahaba ay tilang umaagos at isang krus na nakasabit sa leeg niyang gawa sa pilak.

‘Sino … sino ka?’ tanong ni Lilly, nakuha ang hangin mula sa layag niya ngayon.

‘Walang oras para sa lahat ng yan,’ nagmamadaling sinabi ng babae. ‘Kailangan na nating umalis!’

At hinatak niya ang kamay ni Lilly at hinatak ito kaya walang magawa ang batang babae ngunit sumunod.

Makalipas ang tilang walang katapusang paghatak mula isang puno papunta sa susunod, humihinto maya’t maya habang hinihipo ng kakaibang babae ang tanim o sinusuri ang bulaklak, sa kalaunan ay nakita ni Lilly ang sarili sa lugar ng parke na hindi niya maalalang dati na niyang binisita.

‘Nasaan tayo?’ tanong ni Lilly habang ganap na lito.

Ang bahaging ito ng parke ay tilang napakalayo at nababalutan kung saan-saan ng maraing maliliit na bulaklak. Sabi ng matandang babae:

‘Dito iyon gaganapin!’ At lumukso siya sa pagitan ng mga bulaklak, hinihipo ito paminsan-minsan gamit ang mahabang patpat na may balahibo sa dulo habang sumusunod nang malapitan si hangga’t kaya niya.

‘Nag-aalis ka ba ng alikabok?’ tanong niya. ‘Tinatanggalan mo ba ng alikabok ang mga bulaklak? Kakaiba yan, di ba?’

‘Siyempre, nagtatanggal ako ng alikabok, iha. Paano ko makukuha nang maayos ang mga bulaklak na ito para sa piyesta kung hindi ko ito alisan ng alikabok? Wala na yata tayo sa Pilipinas!’

‘Sige, kakaibang babaeng tao, maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari?’

Tiningnan ng matandang babae si Lilly na parang walang laman ang utak nito. ‘Santacruzan, iha. Isang araw na lang bago ito. Pero siguradong alam mo ito. Naghanda ka na ba? Dapat kang maghanda kundi ay hindi aayon sa pamantayan ang mga bulaklak mo!’

Mas lalong nalito si Lilly, kung posible ito. ‘Sino ka at ano ang Santacruzan?’

Nginitian ng babae si Lilly. ‘Ako ay si Reyna Elena, o Queen Elena. Pero maaari mo akong tawaging Elena. Mas maikli ito at wala na tayong oras! Gusto mo bang ipakilala ang sarili mo?’

‘Ako si Lilly. Hindi ako Reyna o aumang kasing ganda noon. Si Lilly lang ako.’

Parang nalungkot si Reyna Elena sa sinabi nito. ‘Parang medyo bastos naman ang sinabi mo, iha. Alam ng lahat na walang Lilly lang!’

Biglang nakarinig ng dumadagundong tunog si Lilly mula sa kabilang panig ng mga puno. Naramdaman niyang nanginig ang mga binti niya habang papalapit ang tunog. Tumalon-talon si Reyna Elena at pumalakpak. ‘Ay! Narito na sila, narito na sila! Maaari na ngayong magsimula ang mga paghahanda sa piyesta!’

Maraming tao ang dumating, dumaan sa gitna ng mga puno, sila ay nakasuot ng makukulay na damit. Ang kababaihan ay may suot na magagandang, mahabang damit na ma dekorasyong bulaklak at kakaibang bagay, at ang kalalakihan ay may suot na shorts at nakakatawang sumbrero na puno rin ng mga bulaklak.

‘Halika, halika,’ sabi ni Reyna Elena, ‘makikilala mo na ngayon ang pangkat.’ Umabante siya at kinausap ang kalalakihan at kababaihan na nagpulong sa malaking lugar. ‘Mga kaibiganko, isang araw na lang bago ang piyesta at natutuwa akong ianunsiyo na nais ni Bb. Lilly na tulungan tayo sa pagdiriwang!’

Lumapit kay Lilly ang mga nasa harap ng pangkat at kinamayan siya’t tinapik ang likod niya. Sinabi ng mga ito kung gaano sila nagagalak na makasama siya at nalulugod silang makilala siya.

Ginawa ni Lilly ang makakaya niya para ngumiti at makipagkamay sa lahat, pero medyo asiwa siya. ‘Nalilito ako,’ sabi niya kay Reyna Elena. ‘Paano ako makakatulong sa inyo?’

‘Lilly ang pangalan mo, di ba? Ang pangalan mo ay ang pinakamakapangyarihan at karismatikong bulaklak sa lahat, hindi ba?’

‘Siguro,’ sabi ni Lilly, hindi na alam kung ano pa ang sasabihin.

‘Kung gayon, ikaw ang pinakamahusay na mamumuno sa pagdiriwang, tiyak ko. Ngayon, hayaan mo akong magpatuloy.’ Tumalikod si Elena at humarap sa pangkat.

‘Tulad ng sinabi ko, tutulungan tayo ni Bb. Lilly sa piyesta sa taong ito at may mga partikular na talento siyang wala tayo. Mula siya sa bayang ito at kabisado niya ito.’ Humarap si Reyna Elena kay Lilly. ‘Bb. Lilly, dumayo kaming lahat dito mula sa Pilipinas, isang napakagandang lugar na puno ng sigla, pagmamadal, pagdiriwang kasariwaan sa hangin! Ang Mayo ay kabigha-bighaning panahon sa Pilipinas. Makalipas ang mahabang panahon ng napakainit na araw, ang Mayo ay ang panahon na ang mga kumikinang na hamog sa wakas ay mahuhulog at mabibiyayaan tayo ng maseselang amoy mula sa mga bulaklak na bumubuka sa aming bansa.’

‘Ang ibig mong sabihin ay magsisimula na umulan,’ sabi ni Lilly, medyo may kalungkutan sa boses niya. Sapat na ang ulang natanggap niya sa pang habang-buhay.

‘Sinabi mo yan na parang hindi yan magandang bagay, iha. Ninanamnam namin ang ulan kung saan kami galing. Napakasariwa nito at kumikinang na basbas. Ito ay buhay!’

Dahil medyo nalito ang batang babae, hinawakan ng ilan sa matatanda sa harapan ng pangkat ang kamay niya at pinaupo siya sa malapit na pinagputulan ng puno. Umehem si Reyna Elena at sinimulan ang kuwento ng piyesta:

‘Ako ang ina ng pinakamatapang na lalaki sa buong mundo! Ang anak kong si Constantine at ako ay nagkaroon ng maraming magagandang karanasan! At ngayon, bawat taon, sa oras na ito, nag-oorganisa kami ng makasaysayang piyestang Filipino para ipagdiwang ang mga karanasang ito! Ang aming piyesta, ang Santacruzan, ay isa lang sa maluluwalhating Flores de Mayo: isang buong buwan ng mga pagdiriwang, piyesta at pagtatanghal, lahat sa napakagandang panahon ng magaganda naming bulaklak.’

‘Napakaganda niyan,’ sabi ni Lilly, ‘pero ano ang ginagawa niyo dito kung ang piyesta niyo ay nasa Pilipinas bukas?’

‘Ahh!’ sabi ni Reyna Elena, ‘Iyan ang kaaya-aya. Napakaraming magagandang pamilya sa Pilipinas na lumipat sa bayan niyo, ang lugar na tinatawag niyong United Kingdom, at dapat namin masiguro na hindi nila malaktawan ang mga pagdiriwang, siyempre. Narito kami para dalhin ang Santacruzan sa lahat ng nanirahan sa inyong bayan.’

Kailngang sumang-ayon ni Lilly na napakabuting ideya nito, pero naguguluhan pa rin siya ‘Gusto mong magkaroon ng piyesta ng bulaklak ... dito? Pero kakaunti lang ang mga bulaklak dito, lalo na sa Mayo. At ang mga lumalabas ay lahat mukhang malungkot.’

Doon binuksan ni Reyna Elena ang mga braso niya at dinipa at ngumiti nang napakaganda. ‘Tumingin ka sa paligid mo, iha. Sa palahay ko ay makakayanan natin ito.’

Sinundan ni Lilly ang nakadipang braso ni Reyna Elena at natamo na ang pagtanggal ng alikabok ng matandang babae ay sulit. Milyon-milyong magagandang bulaklak ang naroon, hangga’t kayang makita ng mata. Lahat ay perpekto, walang isang talulot ang ligaw. At ang halimuyak na dala ng hangin ay sapat para mahilo ang batang babae.

Sabi ni Lilly: ‘Hindi ko naisip na maaaring magmukhang napakaganda ng mga bulaklak!’

‘Hindi ito ang una kong pagkakataon, iha. Talagang mahusay ako pagdating sa mga bulaklak. Kaya, matutulungan mo ba kami sa Santacruzan? Kakailanganin namin lahat ng tulong na aming makukuha.’

Lumingon si Lilly sa malaking pangkat ng mga tao sa makukulay nilang damit, lahat ay naghihintay ng kanyang pasya. Paano siya makakahindi! Tumango siya at mabilis na pumalakpak si Reyna Elena. Nagtalunan ang buong pangkat at pumalakpak at biglang bumuo ng napakatuwid na linya para mapakilala ni Reyna Elena ang bawat isa sa kanila kay Lilly at ipaliwanag kung ano ang tungkulin nila sa piyesta.

‘Ngayon, ang anak kong si Constantine na kilala mo na. Nasa tabi ko siya sa kabuuan ng parada. At ang maginoong ito ay si Methuselah,’ sabi ni Reyna Elena habang tinutulungan niya ang napakatandang lalaking may hinahatak na kartilyang tilang may kawali sa ibabaw nito. ‘Nasa kartilya niya siya na may …’ tumingin siya at binulungan si Methuselah. ‘Naalala mo ba ang buhangin mo sa taong ito?’

Itinaas ng matandang lalaki ang maliit na lalagyan ng buhangin at kumindat ito. ‘Nasa kartilya niya siya na may dalang buhangin ...’

At ito ay nagpatuloy, pinapakilala ni Reyna Elena at si Lilly ay ngumingiti, papunta sa dami ng tao. Pagkatapos, sa pagtatapos, walong babae ang humarap na may suot na mahahabang puting damit na may mga pakpak sa likod nila. Lahat sila ay may hawak na magkakaibang bagay sa kanilang kamay.

‘Ay oo, paano ko malilimutan. Narito ang magaganda kong mga Ave Maria na babae. Lahat sila ay kumakatawan sa bagay na maganda sa mundo. Si Reyna de las Estrellas, halimbawa, ay ang Reyna ng Mga Bituin, kinakatawan ang ganda na kumikinang sa langit sa gabi. Ang mga babaeng ito ay ang tunay na atraksiyon ng piyesta ... maliban sa akin, siyempre.’

Naaya si Lilly sa lahat, pero noong nakita niya ang kanyang relo, bigla niyang naalala na mapapagalitan siya. Bumaling siya lay Reyna Elena. ‘Paumanhin pero kailangan na ako umalis. Nag-aalala na ang nanay ko kung nasaan ako. Babalik ako sa umaga para tumulong sa piyesta, maaasahan niyo iyon! Nasisiyahan akong makilala kayong lahat.’

Ngumiti si Reyna Elena at tumungo. ‘Tama, tama,’ sabi niya. ‘Hindi tamang mag-alala ang nanay mo. Mag-ingat ka pauwi at magkita tao sa umaga.’

Kumaway sa mga tao si Lilly at nagpasalamat kay Reyna Elena sa magandang araw. Tumalikod siya ay tumakbo nang mabilis pauwi – sa pagitan ng mga puno at papunta sa pamilyar na makulimlim na parke kung saan umuulan pa rin. Tumakbo siya palabas sa parke at sa kalye at papunta sa daanan sa hardin nila papunta sa harapang pintuan ng bahay niya sa bilis ka kaya ng mga binti niya.

‘At saan ka nagpunta?’ tanong ng nanay niya noong humihingal na pumasok si Lilly sa kusina. ‘Nag-aalala kami!’

'Pasensiya na, nanay, nakalimot ako ng oras. Kakaiba itong araw na ito.’ 

Nag-aalalang tumingin ang nanay ni Lilly habang hinihipo nito ang buhok nito. ‘Alam kong hindi mo masyadong gusto ang buhay sa Inglatera sa ngayon o tumira dito sa London, pero bubuti rin ang mga bagay, iha, pangako ko. Siguro, sa susunod na taon, magbabakasyon tayo sa tag-init.’

Nginitian ni Lilly ang nanay niya. ‘Ewan ko,’ sabi niya, ‘Nagpasya ako ngayon na hindi naman masyadong pangit sa Inglatera. Maraming tao mula sa ibang panig ng mundo na narito, kasing layo ng Pilipinas. At siguro, baka magustuhan ko rin ang ulan.’

Enjoyed this story?
Find out more here