KidsOut World Stories

Ang Langgam at Ang Elepante    
Previous page
Next page

Ang Langgam at Ang Elepante

A free resource from

Begin reading

This story is available in:

 

 

 

 

Ang Langgam at Ang Elepante

An Afghan Story

 

 

 

 

 

 

*

May isang langgam at isang elepante na matalik na magkaibigan. Madalas sila naglaro tuwing may pagkakataon. Ngunit, sa kasawiang palad, mahigpit ang tatay ng elepante. Pinagbawalan niya ang kanyang anak na maglaro hangga’t hindi pa niya matapos gawin ang kanyang takdang – aralin at kapag kailangan niyang tulungan ang kanyang nanay sa gawaing – bahay. Hindi rin natatutuwa ang tatay niya na nakikipaglaro sa isang langgam kung ang hanggat – dapat ay nakikipaglaro siya sa kapwa niya elepante.

Malaki ang takot ng maliit na elepante sa kanyang tatay lalo na kapag ito’y galit. Nguni’t matapang ang langgam at hindi siya takot sa masungit na matandang elepante.

Isang araw, habang ang dalawang magkaibigan ay nagalalaro ng mahabis*, narinig nila na padating ang nakakatandang elepante. Yumanig ang lupa at umugoy ang mga puno sa paligid.

“Naku! Ang tatay ko!” sigaw ng batang elepante, takot na takot. “Ano ang gagawin ko?”

Umihip ang maliit na langgam hanggang lumaki ang kanyang dibdib at tumayo sa kanyang buong taas. “Huwag ka magalala, aking kaibigan. Magtago ka sa aking likod at hindi ka mahahanap ng iyong tatay!”

Enjoyed this story?
Find out more here