KidsOut World Stories

Si Dick Whittington at Ang Kanyang Pusa    
Previous page
Next page

Si Dick Whittington at Ang Kanyang Pusa

A free resource from

Begin reading

This story is available in:

 

 

 

 

Si Dick Whittington at Ang Kanyang Pusa

 

 

 

 

 

 

*

Noong unang panahon, may isang maralitang batang lalaki sa ngalang Dick Whittington na ulila sa kanyang mga magulang kaya’t kadalasan siyang gutom. Nakatira siya sa isang maliit na nayon sa probinsiya. Madalas siyang makarinig ng mga kuwento tungkol sa isang malayong lugar na tinatawag na London kung saan lahat ay mayaman at ang mga kalye ay nakaaspalto ng ginto.

Ipinasya ni Dick Whittington na pumunta doon upang maghukay ng sapat na ginto sa kalye upang gumanda ang kanyang kapalaran. Isang araw, may nakilala siyang magiliw na tsuper ng bagon na patungong London na nag-alok na iangkas siya, kaya’t sabay silang naglakbay. 

Pagdating nila sa malaking lungsod, hindi makapaniwala si Dick sa kanyang nakita, mga kabayo, mga karwahe, daan-daan na tao, mga matayog na gusali, tambak na putik, nguni’t wala siyang naaninag na ginto. Sa anong pagkabigo, paano na ang kanyang kapalaran? At paano na siya bibili ng pagkain?

Pagkalipas ng ilang araw, nawalan siya ng malay sa isang tambak sa may pinto ng bahay ng isang mayaman na mangangalakal.

Biglang lumabas ng bahay ang kusinera: ‘Umalis ka diyan,’ sigaw niya, ‘batang marungis,’ at sinubukan niyang paalisin sa pamamagitan ng walis.

Sa sandaling iyon, bumalik sa kanyang bahay ang mangangalakal at dahil siya ay isang mabait na tao, naawa siya kay Dick.

‘Dalhin siya sa loob ng bahay,’ utos niya sa kanyang tagapag-alaga ng kabayo.

*

Pagkatapos siyang pakainin at papahingain, binigyan si Dick ng trabaho sa kusina. Malaki ang pasasalamat niya sa mangangalakal, subalit ang kusinera ay magagalitin at tuwing walang nakatingin, ay hinahataw at kinukurot siya.

Ang isa pang nagdulot ng lungkot kay Dick ay yung pagtulog niya sa isang napakaliit na kuwarto sa tuktok ng bahay at ito ay puno ng daga na gumagapang sa kanyang mukha at sinusubukang kagatin ang kanyang ilong.

Sa kawalang pag-asa, inipon niya lahat ng kanyang sentimos na pinambili niya ng pusa. Ang pusa ay isang tanging pusa, siya ang pinakamahusay na pusa sa buong London sa paghuli ng daga. Pagkaraan ng ilang linggo, guminhawa ang buhay ni Dick dahil sa kanyang matalinong pusa na kumain ng lahat ng daga, kaya’t nakatulog na siya ng mapayapa.

Makalipas ang maikling panahon, narinig ni Dick ang mangangalakal na nag-alok na dalhin ang anumang bagay sa kanyang barko na nais ibenta ng mga taong nakatira sa kanyang bahay. Ang barko ay malalayag sa isang mahabang paglalakbay sa kabilang bahagi ng mundo at ibebenta ng kapitan ang lahat ng laman ng barko upang kumite sila ng pera. Kaawa-awang Dick, ano kaya ang kanyang maaaring ibenta?

Walang anu-ano, may bigla siyang naisip.

‘Pakiusap po, ginoo, maaari mo bang kunin ang aking pusa?’

Naghalakhakan ang lahat, subalit nguniti ang mangangalakat at nagsabing: ‘Oo Dick, gagawin ko at lahat ng perang kikitain sa pagbebenta ay mapupunta sa iyo.’

Paglisang ng mangangalakal sa lungsod, muling nag-isa si Dick kasama ang mga dagang gumagapang sa kanya at mas lalong naging masungit ang kusinera sa dahilang walang pumipigil sa kanya. Ipinasya ni Dick na lumayas.

Habang siya’y lumakad papalayo, tumugtog ang kampanilya ng mga simbahan na tilang nagsabing:

Bumalik ka uli Dick Whittington

Tatlong beses Panginoong Alkalde ng London.

‘Kabutihan, mapagbigay-loob, sus,’ inisip ni Dick, gulat na gulat. ‘Kung ako ay magiging Panginoong Alkalde, mabuti pa ako ay manatili dito. Pagtitiisan ko na lamang ang kusinera at ang mga kumakarimot na daga at kapag ako na ang Alkalde, humanda siya!’

Kaya’t bumalik siya.

*

Sa kabilang panig ng mundo, ang mangangalakal at ang kanyang barko ay dumating sa kanilang patutunguhan. Nalugod na Makita sila ng mga tao at binigyan sila ng maligayang salubong kaya’t ipinasya ng  mangangalakal na ipadala ang ilang mga regalo sa kanilang hari at reyna. 

Nagalak ang hari at reyna kaya’t inimbita silang lahat sa isang handaan. Nguni’t, maniwala kayo o hindi, sa oras na inilabas ang pagkain, daan-daang daga ang lumitaw parang salamangka at nilamon ang lahat ng handa bago pa sila nagkaroon ng pagkakataong kumain.

‘Hay naku,’ anya ng hari, ‘lagi ito nagaganap – kailanman hindi ako nagkaroon ng pagkakataon makakain ng pay na mansanas. Ano ba ng dapat kong gawin?’

‘Mayroon akong naisip,’ sabi ng mangangalakal. ‘Mayroon akong natatanging pusa na kasama ko naklakbay mulsa sa London, at lalamunin niya ang iyong mga daga mabilis pa kaysa paglamon nila ng iyong handa.’

Tunay na sapat, sa galak ng hari at reyna, sa susunod na naghanda ng pista at lumitaw ang mga daga, sumagpang ang pusa at pinatay lahat ng daga kasimbilis ng kidlat.

Nagsayaw sa galak ang hari at reyna at binigyan ang mangangalakal ng isang barko puno ng ginto kapalit ng natatanging pusa.

Pagbalik ng barko sa London, nanglupaypay si Dick sa dami ng ginto na ibinigay ng mangangalakal para sa kanyang pusa. Paglipas ng maraming taon, ginamit niya ng mabuti ang kanyang pera at tinulungan niya ang lahat ng tao sa kanyang paligid at ang mga natrabaho para sa kanya, kaya’t siya ay nahalal na Panginoong Alkalde ng London ng tatlong beses. Subalit hindi niya nakalimutan ang kanyang mabait na kaibigang mangangalakal na tapat na binigay ang lahat ng perang kinita ng pusa at hindi nagtabi ng pera para sa sarili. 

Noong lumaki si Dick, umibig siya kay Alice, ang magandang anak ng mangangalakal at pinakasalan niya ito. Nabuhay sila ng kabutihang-palad magpakailanman tulad ng mga tao sa mga kuwento.

Bumalik ka uli Dick Whittington

Tatlong beses Panginoong Alkalde ng London.

Tama sila, kita mo.

Enjoyed this story?
Find out more here