KidsOut World Stories

Ang kuwento ni Layla at Majnun Awalkhan Ahmadzai and Emal Jabarkhail    
Previous page
Next page

Ang kuwento ni Layla at Majnun

A free resource from

Begin reading

This story is available in:

 

 

 

 

Ang kuwento ni Layla at Majnun

Isang Istoryang Afghan

 

a small red heart that's breaking

 

 

 *

 

 

 

Si Qays ibn al-Mulawwah ay binata pa lang noong nahulog siya kay Layla. Sigurado na siya sa pag mamahal nya sa unang pag kikita nila sa eskuwela. Nagsimula siyang magsulat ng mga tula ng pag-ibig tungkol kay Layla at binabasa niya ito sa bawat sulok kung saan may makikinig. Maraming tumatawag sa batang lalaki 'Majnun' ibig sabihin baliw, dahil sa kanyang madaming pagpapakita ng pagmamahal.

Isang araw, nakuha niya ang lakas ng loob na hilingin galing sa ama ni Layla kung pwede pakasalan ang kanyang anak, pero tumanggi ang kanyang ama. Naisip ng ama na yung kasal ay magiging iskandalo. Sa kanya mali ibigay si Layla sa isang tao na tinatawag na baliw. Sa halip na ito, si Layla ay dapat magpakasal sa ibang tao.

Si Majnun ay sobrang lungkot na iniwanan ang kanyang tahanan at pamilya upang mawala sa disyerto. Nabuhay siya ng isang buhay na malungkot sa mga ligaw na hayop, sinayang niya ang kanyang mga araw pagsusulat ng mga tula tungkol sa kanyang minamahal, Layla. Pinilit si Layla na pagkasal sa ibang lalaki at, bagaman hindi siya nagmamahal sa kanya dahil ang kanyang puso ay pa rin kay Majnun, nanatili siyang tapat na asawa.

Mas nalungkut si Majnun sa balita ng kasal at pinatili niya ang buhay na pag-iisa. Tumanggi siyang bumalik sa kanyang mga magulang sa lungsod. Na miss siya ng mga magulang niya at araw-araw umaasa sila sa pagbalik niya. Sila ay umiiwan ng pagkain para kay Majnun sa hardin kung sakali bumalik siya galing disyerto. Pero nanatili si Majnun sa ilang, sumusulat nang mga tula at hindi kailanman nagsasalita sa isang kaluluwa.

Palagi siya nag-iisa at ang mga kasama niya ay mga hayop lang na pinoprotektahan siya sa gabi. Madalas siyang makita nang mga manlalakbay sa pagpunta nila sa lunsod. Sabi nila na ang tanging bagay na ginagawa niya araw-araw ay bigkasin ang tula sa sarili niya at sumulat sa buhangin; totoo na siya ay nabaliw dahil sa pighati.

Maraming taon na ang lumipas, namatay na ang mga magulang ni Majnun. At dahil alam ni Layla kung gaano mahal niya sila, determinado siya na hanapin si Majnun at ibalita yung nangyari. Sa wakas, may nahanap siyang isang matanda na inaangkin nakita niya si Majnun sa disyerto. Nagpakiusap si Layla sa matanda na ipasa ang balita kay Majnun kung sakali magkita sila.

Isang araw, nagkita yung matanda at si Majnun sa disyerto. Ipinaalam ng matanda kay Majnun ang balita ng kamatayan ng mga magulang niya, nasaksi ng matanda ang pighati ng binata.
Sa malalim na lungkot at pagsisisi, mas lalo niyang hinawalay ang sarili sa mundo at nangakong manatili sa disyerto hanggang sa kanyang kamatayan.

Ilang taon na ang lumipas at namatay na ang asaw ni Layla. Ngayon, ang dalaga ay umaasa na sa wakas, magiging sila habang-buhay pero ito ay hindi dapat. Dahil sa tradisyon, dapat si Layla ay manatiling mag-iisa sa loob ng buhay ng dalawang taon upang magdalamhati para sa kanyang patay na asawa. Hindi niya kaya matanggap na hindi pinapayagan ang pagkakasama nila ni Majnun. Sila ay pinaghiwalay ng halos habang-buhay at dalawa pang taon ay hindi na niya kayang matiis. Sumuko ang dalaga sa buhay at namatay dahil sa kalungkutan na nag-iisa sa kanyang bahay. Hindi niya nakita si Majnun bago siya namatay.

Ang balita ng kamatayan ni Layla ay umabot kay Majnun sa ilang. Agad pinuntahan niya ang libingan ni Layla at umiyak nang labis hanggang sumuko din sa kalungkutan at namatay sa tabi ng kanyang isang tunay na pag-ibig.

'Pumasa ako sa mga pader, mga pader ni Layla,
At hinalik ang pader na ito at ang pader na iyan.
Hindi ang pagmamahal ko para sa bahay
Pero para sa naninirahan doon.'

Enjoyed this story?
Find out more here