KidsOut World Stories

Ang Mabuting Kaibigan Noel White    
Previous page
Next page

Ang Mabuting Kaibigan

A free resource from

Begin reading

This story is available in:

 

 

 

 

Ang Mabuting Kaibigan

 

 

 

 

 

 

*

Bata pa lamang si Yasin noong lumipat ang kanyang pamilya mula sa Irak patungong England. Hindi ginusto ni Yasin na iwanan ang kanilang tahanan sa Samarra ngunit sinabi ng kanyang ama na para ito sa ikabubuti ng kanilang pamilya dahil hindi na ligtas sa kanilang lugar at nais niyang lumaki ang kanyang anak sa isang bansa kung saan tanggap ang iba’t ibang lahi ng tao. Sinabi ng kanyang ama na ang England ay isang multicultural na bansa kung saan ang mga tao ay naninirahan at nagkakaisa sa trabaho ano man ang kanilang lahi at paniniwala.

Sa kabila ng kalungkutan ni Yasin dahil sa kanilang paglisan mula sa Irak, di nagtagal ay nasanay na rin siya sa kaniyang bagong buhay sa malaking lungsod ng London. Ang London ay isang kapana-panabik na lungsod dahil sa naglalakihang gusali at museo nito, ang pinaka-paborito ni Yasin ay ang London Planetarium at ang malaking ilog ng Thames kung saan dito ay mayroong nakatayong mga lumang tulay.

Nagkaroon ng bagong kaibigan si Yasin, kanilang kapit-bahay na nagngangalang Andrew. Buong tag-init ay magkasamang naglaro ang dalawa o kaya naman ay magkasamang namasyal sa zoo kasama ang ina ni Andrew. Ibinahagi ni Andrew ang kaniyang mga laruan at mga komiks na libro kay Yasin at ikinwento niya ang kaniyang mga paboritong superheroes. Nagtayo rin sila ng bahay-bahayan sa hardin ng likuran ng bahay nila Yasin kung saan sila’y nagtatago sa kanilang mga magulang.

Ang tag-init ay naging masaya para sa batang si Yasin at unti-unting niyang naramdaman na ang London ay nagiging pamilyar na sa kanya, kahit na ito’y napaka-laking lungsod at ang tag-init ay malayo kompara sa noong siya ay nasa Samarra. Ang kaniyang ingles ay naging mas mahusay din, lalo na sa tulong ni Andrew, kahit na mayroon paring mga salita na hindi niya nai-intindihan at madalas siya’y nahihiya dahil hindi siya makapagsalita sa paraan na kanyang nais.

Nang ang buwan ng Septiyembre ay dumating at ang mga dahon ng mga puno ay nagsimula ng maglagas, ipinaliwanag ng ama ni Yasin na panahon na upang siya’y pumasok sa paaralan. Pitong gulang pa lamang si Yasin kaya siya ay magsisimula lamang sa ikatlong baitang ng kanilang local na paaralan – kung saan si Andrew ay nasa ikatlong baitang rin!

Kahit na kinakabahan ng sobra si Yasin, sinigurado ng kaniyang ama at ina na ang paaralan ay isang masayang lugar kung saan siya ay makaka-kilala ng maraming kaibigan at matututo ng iba’t ibang bagay.

‘Ang mga paaralan dito sa England ay kilala sa pagiging pinakamahusay,’ sabi ng ina ni Yasin.

‘At matututo ka ng mga kapana-panabik na bagay at ang iyong ingles ay magiging mas mahusay sa lalong madaling panahon,’ panigurado ng kanyang ama.

Hindi pa rin kumbinsido si Yasin, ngunit ng kumatok sa kanilang pintuan si Andrew na may malaking ngiti sa kanyang labi habang sinasabi na ang paaralan ay magiging masaya, kumalma si Yasin dahil nagtitiwala siya sa kaniyang kaibigan.

Ang dalawang bata ay nag-usap hanggang makarating sila sa paaralan; Sinabi ni Andrew kay Yasin na mayroong palaruan ang kanilan paaralan, sinabi rin niya kung sino ang pinakamagaling na guro, kung sino sa mga lalaki ang pinaka-masayang kasama, kung sino sa mga babae ang magaganda, at kung papaanong madalas ay mayroong ‘custard pudding’ sa kanilang tanghalian. Hindi man naintindihan ni Yasin kung ano ang custard, inisip niya na ito’y magiging masarap dahil mukhang hindi makapag-hintay si Andrew para dito.

Ngunit ng makarating ang dalawang bata sa kanilang klase, ang mga bagay ay nangyari sa paraan na hindi inaasahan ni Yasin. Sinabihan ng guro si Andrew na umupo sa harapan habang ipinakilala nito si Yasin sa iba pang mga bata. Hindi ginusto ni Yasin ang tumayo sa harapan ng klase at ang isa sa mga bata ay sumigaw na siya ay mabahong dayuhan. Ang iba naming mga bata ay nagsi-tawanan, at ang isa naman ay pinag-tatawanan ang punto ng pagsa-salita ni Yasin ng sabihin niya ang kanyang pangalan at kung saang bansa siya nagmula.

‘Hindi ko siya maintindihan, guro. Hindi man lang siya makapag-salita ng Ingles,’ sabi ng suwail na bata.

Sa wakas ay pinayagan ding umupo si Yasin sa likuran ng klase, pero hinihiling niya na sana ay nakaupo sa tabi niya si Andrew dahil siya ay nalulungkot. Ang babaeng nakaupo sa kaniyang tabihan ay paulit-ulit na tumitingin sa kanya sa kakaibang paraan at hindi komportable dito si Yasin, at habang sila ay nasa klase nagtaas ng kamay ang babae at tinanong nito ang guro kung pwede ba siyang lumipat ng mauupuan. Hindi maintindihan ni Yasin kung ano ba ang kanyang nagawa upang umalis ang batang babae.

Nang tumunog na ang kampanilya, oras na upang magtungo sa palaruan. Sinara ng mga bata ang kanilang libro, sinuot ang kanilang mga kapote at nagtungo sa pintuan ng maliwanag na sikat ng araw. Binigyan ng guro si Yasin ng name tag at nilagay niya ito sa kanyang damitan.

‘Ayan!’ sabi nito ng nakangiti. ‘Ngayon lahat ng mga bata ay malalaman na ang iyong pangalan.’

Iniisip ni Yasin na ang name tag ay ay mukhang katawa-tawa, at nang siya ay lumabas patungo sa palaruan lahat ng mga bata ay nagsimula siyang ituro at nagsi-tawanan.

‘Pang-babae ang iyong pangalan!’ sabi ng isang maliit na bata na may kulot at kulay gintong buhok.

Ginusto man ni Yasin na ipaliwanag na ang kanyang pangalan ay hindi pam-babae, masyado siyang kinakabahan dalin tinuturo siya at nagsisi-tawanan ang mga bata. Tuwing kinakabahan si Yasin, ang kanyang ingles ay hindi maayos at siya ay nabu-bulol. Siya ay nalulungkot at gusto na lamang niyang tumakbo palabas ng palaruan at bumalik sa kaniyang ama at ina, ayaw na niyang magbalik sa paaralan kailan man. Ngunit bago ba siya nakatakbo, nakarinig siya ng pamilyar na boses.

‘Hi Yasin.’ At ng siya ay tumingala, nakita niya si Andrew na nakatayo sa kaniyang tabihan.

Tiningnan ni Andrew ang mga bata na naka-palibot kay Yasin at iniling niya ang kanilang ulo.

‘Anong problema ninyo?’ tanong niya. ‘Sinabi ko sa aking kaibing na si Yasin na ang paaralan ay masayang lugar. Bakit niyo ito sinisira para sakaniya?’

‘Dahi naiiba siya,’ sabi ng isang matangkad na babae na nakatayo sa harapan ng mga bata.

‘Naiiba ka rin,’ sabi ni Andrew, ‘Ikaw ang pinaka-matangkad na babae sa buong paaralan at ayaw mong napagta-tawanan ng mga tao, diba?’

Tiningnan ni Andrew ang bata na kulot ang buhok. ‘At ayaw mong sinasabihan na may buhok kang pang-babae,’ sabi nito sa batang lalake. ‘Lahat tayo ay naiiba. Ano na lang ang buhay kung lahat tayo ay pare-pareho?’

Nagkaroon ng katahimikan sa mga bata. Tinaas ni Yasin ang kanyang ulo at sinabing. ‘Nakakayamot,’ sabi niya ng nakangiti

‘Tama!’ sabi ni Andrew, ngumiti rin siya sakanyang kaibigan. ‘Sobrang nakakayamot!’

At lahat ng mga bata ay nagsimulang magsitawanan. ‘Sobrang nakakayamot,’ sabi nila sa isa’t isa.

Ipinaliwanag ni Andrew sa mga bata na kasama niya si Yasin buong tag-araw, kung paano nila itinayo ang kanilang bahay-bahayan at naglaro sila sa parke, at kung paanong mas gusto ni Yasin si Batman kaysa kay Superman, and kung paanong si Yasin ay naiiba talaga dahil hindi siya kumakain ng hotdog!

Nagsi-tawanan ang mga bata at nagsimula nilang pag-usapan ang kaibahan nila sa isa’t isa. Itinaas ni Peter Jenkins ang kaniyang damit at ipinakita sa mga bata ang kaniyang kulay lila na balat sa harapan ng kaniyang tiyan.

‘Eto ang tinatawag kong kakaiba,’ sabi niya ng may ngiting tagumpay. ‘Sa tingin ko ay wala sainyo ang may balat na katulad ng sa akin!’

Nang matapos na ang kanilang oras pahingahan, itinaas ni Andrew ang kaniyang kamay at sinabi sa guro na kung pwede silang mag-laan ng oras upang pag-usapan ang kaibahan ng mga tao at kung paanong ang mga tao ay nagtutungo sa England upang magsimula ng bagong buhay katulad ng kaniyang kaibigan na si Yasin. Sumang-ayon ang guro na importante ang bawat indibidwal, at sinabi rin niya na ang Britain ay kahanga-hanga dahil isa itong Multicultural na isla. Isinulat ni Yasin aang salitang ito sa kaniyang libro at ipinangako niya sa kanyang sarili na aala-lahanin niya ito palagi. Isinulat rin niya ang salitang kaibigan sa kanyang libro. Alam na niya ang ibig-sabihin ng salitang kaibigan, ngunit gusto niya lamang itong isulat dahil palagay niya ay napaka-swerte niya na mayroon siyang kaibigang kagaya ni Andrew na magtatanggol sakanya at hindi siya huhusgahan dahil lamang siya ay naiiba.

Enjoyed this story?
Find out more here